Home NATIONWIDE DND sa mga Pinoy: Katapangan ni Bonifacio tularan sa gitna ng mga...

DND sa mga Pinoy: Katapangan ni Bonifacio tularan sa gitna ng mga hamon ng seguridad

MANILA, Philippines – NANAWAGAN si Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa sambayanang Filipino na kumuha ng lakas mula sa katapangan ni Gat Andres Bonifacio habang ang bansa ay patuloy na nahaharap sa iba’t ibang mga hamon sa seguridad.

“His story of rising from humble beginnings to leading the fight against a formidable adversary resonates with the personnel of the DND, who are entrusted with the mandate to safeguard the sovereignty and territorial integrity of the Republic of the Philippines,” ang sinabi ni Teodoro sa isang kalatas.

Nakatakda namang ipagdiwang at gunitain ang ika–161 kaarawan ni Bonifacio, kilala rin bilang Great Plebeian, araw ng Sabado, Nobyembre 30, na may temang “Filipino Unity: Foundation for a Free and Prosperous People”.

“In the face of existing and emerging challenges to our national security, including external attempts to erode our independence from within, may we all continue to draw strength from Bonifacio’s courage, resilience, and love of country,” ayon sa Kalihim.

Hinikayat din nito ang lahat ng mga Filipino na dakilain ang legado o ang pamana ni Bonifacio sa pamamagitan ng protektahan ang kaligtasan, kapakanan at kalayaan ng mga mamamayang filipino kung saan si Bonifacio at ang henerasyon ng mga bayani ay isinakripisyo ang kanilang buhay para sa bayan at sa mga mamamayan.

“As the founder of the Katipunan, Bonifacio championed the cause of freedom from oppression, the pursuit of equality, and the restoration of dignity for those who endured centuries of colonial rule,” ang sinabi ni Teodoro. Kris Jose