MANILA, Philippines – Makikipagtulungan ang National Bureau of Investigation (NBI) kapag nagpasya ang Office of the Ombudsman na hawakan ang imbestigasyon kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa naging pahayag niya na papatayin ang Pangulo.
Kasunod ito ng pahayag ni Ombudsman Samuel Martires noong Huwebes na maaaring kunin ng kanyang tanggapan ang imbestigasyon kung matukoy na mayroon na itong hurisdiksyon.
“One of the powers of the Ombudsman is to take over the investigation of the case of any government investigative agency at any stage of the proceedings,” pahayag ni Martires sa GMA Integrated News.
Sinabi ng Ombudsman na iimbestigahan lamang ng kanyang tanggapan si Duterte kung ang mga sinasabing pagbabanta nito ay ginawa sa kurso ng kanyang mga tungkulin bilang bise presidente. Sa ngayon, sinabi ni Martires na wala pa siyang nakikitang anumang bagay na nangangailangan ng aksyon.
Ang pahayag ni Martinez ay matapos sabihin ni Justice Undersecretary Jesse Andres na may awtoridad ang Ombudsman na “disiplinahin at gawin ang mga kinakailangang hakbang” upang maisakatuparan ang mandato nito bilang imbestigador ng lahat ng matataas na opisyal.
Sinabihan ni Martires si Andres na huwag nang magsalita tungkol sa kaso.
Biyernes ng umaga, Nobyembre 29 nang inaasahan sanang sumipot sa tanggapan ng NBI si Duterte ngunit nagpadala lamang ng liham sa kanyang abogado na humihiling na i-reschedule ang pagdinig sa Disyembre 11. Jocelyn Tabangcura-Domenden