MANILA, Philippines – Sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na malaki ang kanyang panghihinayang sa gastos sa proyekto ng flood control sa Quezon City dahil hindi tiyak kung napakinabangan ito ng mga mamamayan ng lungsod.
Ayon kay Mayor Belmonte base sa kanilang pagsusuri may ilan mga proyekto na isinagawa sa lungsod ay walang pakikipag-ugnayan umano sa city government at kung angkop ang plano nito para sa pagtatayuan ng proyekto.
Sa press conference na ginanap kanina Agosto 29, 2025 (Biyernes) sinabi ni Mayor Belmonte na malaki ang kanyang panghihinayang sa gastos sa proyekto sa flood control sa lungsod Quezon dahil walang katiyakan kung napakinabangan ito ng mga residente ng lungsod Quezon.
“Malaking panghihinayang ang nararamdaman ko sa paggastos sa flood project sa lungsod” ayon kay Mayor Belmonte.
Nauna rito bukod sa 141 na proyektong kasama sa website ng Pangulo Marcos Jr. kinumpirma ni Mayor Joy Belmonte na mayroon pang 41 flood control projects na ipinatupad din ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Quezon City.
“Ang rekomendasyon ko (Mayor Belmonte) i-demolish ang Matalahib Creek project dahil hindi ito akma sa proyekto,” sabi ni Belmonte.
Sinabi pa ng alkalde na ang imprakstraktura ay nakahahadlang sa daloy ng tubig.
Kaugnay nito sinimulan na ng pamahalaang lungsod ang validation ng mga proyekto, kung saan direktang nakikipag-usap si Belmonte sa mga residente upang matukoy ang epekto ng mga proyekto sa kanilang mga komunidad.
Nauna nang tinawag ng alkalde ang DPWH para sa pagpapatupad ng mga proyekto nang walang koordinasyon sa pamahalaang lungsod.
Sinabi pa ng Qc government na ang lungsod ay may ordinansa na nangangailangan ng koordinasyon sa komite ng imprastraktura ng lungsod bago ang pagpapatupad ng anumang proyekto. Santi Celario