Home NATIONWIDE SC nagdaos ng surpresang earthquake drill

SC nagdaos ng surpresang earthquake drill

220
0
(c) Remate File Photo

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng sorpresang earthquake drill ang Korte Suprema sa Maynila kanina bilang bahagi ng kanilang Emergency Response Training na layong mapaghandaan an kahalintulad na emergemcy o disaster.

Kasama sa scenario ang paglikas sa mga court employee patungo sa itinalagang lugar tulad ng Paco Park na itinuturing na ligtas na lugar.

Sa naturang pagsasanay, itinuro rin ang ilang mga safety protocols, pati na rin ang agarang first aid sa mga nangangailangan ng medical attention, search and rescue operation at iba pang mga security at safety measures.

Nakaantabay naman ang mga firetruck habang isinasagawa ang earthquake drill at mga ambulansya pati ang medical team para sa mabilisang pagresponde kung kinakailangan.

Ito ay bilang paghahanda sa pinangangambahang posibleng pagtama ng malakas na lindol na tinatawag na “the big one.” Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here