Home METRO Tulay sa Albay bumigay sa quarry truck

Tulay sa Albay bumigay sa quarry truck

251
0

MANILA, Philippines – Bumigay ang isang tulay sa Camalig, Albay matapos daanan ng dump truck mula sa isang quarry, nitong Huwebes ng hapon, Agosto 28.

Ayon sa mga saksi, may ginagawang kalsada sa Brgy. Ilawod kung kaya’t madalas ay dumadaan ang mga trak at heavy equipment sa lugar.

Natagalan naman bago maalis ang truck sa tulay sa Purok 5 dahil sa bandang gitna ito nagiba.

Agad na nagpadala ng mga tauhan at heavy equipment para maisaayos ang tulay.

Samantala, sinabi ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Second District Engineering Office ng Albay na sasagutin na ng hindi tinukoy na contractor na nagmamay-ari ng trak, ang pagpapaayos ng tulay.

Pinapamadali ng DPWH ang paggawa sa tulay dahil walang ibang madadaanan ang mga residente sa lugar.

Plano rin ng ahensiya na magpagawa ng mas matibay na tulay sa lugar. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here