Home ENTERTAINMENT Benz, naka-face to face si Robin!

Benz, naka-face to face si Robin!

448
0

Manila, Philippines – Happy ang VMX star na si Benz Sangalang dahil finally, na-meet niya ng face to face ang kanyang idol sa action flick na si Robin Padilla, na ngayon ay isa na ngang senador.

Tumaba ang puso ni Benz dahil kinamayan siya nang mahigpit ni Sen. Robin lalo na nang nalaman ng una na may action movie ito na planong gawin sa Viva Films.

Sa ngayon ay may balita na plano ni Boss Vic del Rosario na gawing action star si Benz sa bagong henerasyon.

“Siguro po nu’ng nabigyan ako ng action sexy genre sa Sitio Diablo, du’n nakita ni Boss Vic na puwede ako sa action kaya ayun, napasama na ako dun sa Totoy Bato TV series.

“Tapos ngayon nga po, pinag-uusapan na yung gagawan ako ng action movie.

“Nagulat na lang din po ako nang pinatigil na ako ni Boss Vic na lumabas sa sexy films kaya kahit marami ang nagka-cast sa akin, basta pa-sexy, di na nila ako binibigay,” kwento pa niya.

Tenement ang tentative title ng action movie na gagawin para kay Benz.

Si Jojo Veloso ang nagma-manage sa career ni Benz na incidentally ay nag-celebrate ng kanyang kaarawan recently. JP Ignacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here