Home ENTERTAINMENT Benz Sangalang, tinawag ni Boss Vic na Vivamax King!

Benz Sangalang, tinawag ni Boss Vic na Vivamax King!

Manila, Philippines- Isa sa mga pinag-usapan sa mediacon ng Vivamax movie na Balinsasayaw ay ang pagpapakilala kay Benz Sangalang sa mismong pelikula as Vivamax King.

“Vivamax King? Nu’ng una pa, sinasabi na yan sa akin, sa mga nagra-write up sa akin, pero masaya ako kasi ngayon, may approval na ng Viva.

“Ini-screen shot ko nga yun, pinost ko pero nagkaroon ng hindi magandang reaksyon sa iba,” sabi ni Benz.

May mga nagko-comment daw kasi na hindi maganda at ang iba ay mga kasamahan pa niya sa Vivamax.

“Hindi ko expected na mabibigay sa akin yun title na yun kasi ini-earn mo yun e.

“Pinaghirapan ko yun and patutunayan ko na deserve ko ang title na ‘yun.

“May mga ilan na hindi masaya pero wala tayo magagawa.

“Kung tutuusin ayokong magkaroon ng kaaway sa showbiz kasi proud lang naman ako.

“Siguro yung hard work ko ang nakita kaya ako tinawag na Vivamax King, baka natyempuhan lang.

“May halo na ring swerte siguro.

“Feeling ko parang bwelo yung pag-announce na ako ang Vuvamax King para sa pelikulang Totoy Mula 2. Kasi may date na ang shoot e,” sabi pa niya.

FYI ay ang Viva Boss na si Vic del Rosario na rin daw ang nagsabi kay Benz na siya na ang Vivamax King kaya legit ang kanyang title.

Kasama rin ni Benz sa pelilulang Balinsasayaw sina Apple Dy at Aiko Garcia.

Streaming na ang Balinsasayaw soon sa Vivamax. JP Ignacio