Home NATIONWIDE Beripikadong election-related incidents, umabot na sa 40

Beripikadong election-related incidents, umabot na sa 40

0
Beripikadong election-related incidents, umabot na sa 40

Aabot na sa 40 ang bilang ng kumpirmadong election-related incidents (ERIs), ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP).

Sa bilang na ito, 26 ang itinuturing na marahas habang 14 ang hindi marahas. Pinakamaraming marahas na insidente ang naitala sa BARMM (8 kaso) at CAR (7 kaso). Kasalukuyan ding bineberipika ng PNP ang 17 pang hinihinalang ERIs sa iba’t ibang rehiyon.

Samantala, 2,923 katao ang inaresto dahil sa paglabag sa election gun ban. Kabilang sa mga nahuli ay mga uniformed personnel, opisyal ng gobyerno, dayuhan, at mga sibilyan. Nasa mahigit 3,000 armas at pampasabog ang nakumpiska. Nakatakda ang eleksyon sa Mayo 12. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here