Home NATIONWIDE Pagbaba ng self-rated poverty rate ikinatuwa ng Kamara

Pagbaba ng self-rated poverty rate ikinatuwa ng Kamara

MANILA, Philippines – Ikinatuwa ni House Speaker Martin Romualdez ang pinakahuling survey na nagpapakita ng pagbaba ng poverty at food insecurity sa bansa dahil nagpapatunay lamang ito na mayroong pagbabago at pag asenso.

“The numbers tell a powerful story of progress,” ayon kay Romualdez.

“That’s not just a statistic—it’s a breakthrough in the fight against poverty. It’s a signal that our programs are working, and the nation is moving forward.” dagdag pa nito.

Sa April 2025 Tugon ng Masa Survey ng Octa Research bumaba sa 42% ang mga Pinoy na nagkokonsidera sa kanilang pamilya bilang mahirap, ito ay mula sa 50%.

Habang bumaba din ang food poverty o mga hirap bumili ng pagkain, mula 49% ay naging 35% na kung susumahin ay 3.7 million ang nagsabing kaya na nilang bumili ng pagkain.

“These are real and measurable gains. From livelihood assistance to food security, from cash transfers to job generation—this administration is delivering on its promise to uplift lives,” paliwanag ni Romualdez.

Kasabay nito, umapela si Romualdez sa mga government agencies, LGUs at mga mambabatas na tiyakin pa ang pagbaba ng kahirapan sa bansa sa pamamagitan ng pagtugon sa mga problema.

Sinabi pa ni Romualdez na ang ipinalabas na survey ng Octa ay pantapat din sa mga kritiko ng administrasyon na nagpapakalat ng mga maling impormasyon na hindi umuunlad ang bansa.

“This is proof that the Bagong Pilipinas vision of President Marcos is not just aspirational—it is attainable. But we must keep pushing.” ani Romualdez

Umapela din ito sa publiko na maging mapanuri at palagiang katigan ang mga “facts” at hindi ang mga ipinalalabas na fake news na ang layunin lamang ay siraan ang administrasyon.