Home ENTERTAINMENT Zsa Zsa, wala nang balak pakasal sa jowa!

Zsa Zsa, wala nang balak pakasal sa jowa!

Manila, Philippines- Tuluyan nang binura ni Zsa Zsa Padilla ang noo’y pinakaasam-asam na pagpapakasal sa kanyang partner, si Architect Conrad Onglao.

May labing-isang taon na rin silang magkarelasyon.

“I’m okay with that,” pag-amin ni Zsa Zsa.

Even without the church blessing ay maayos naman daw ang kanilang pagsasama.

Kahit nga ang binabalak ni Conrad that they live in another house ay hindi na rin interesado ang Divine Diva.

“Lilipat na naman?” nagrereklamong sabi raw niya kay Conrad.

Solb na raw kasi ang singer-actress sa kanilang tinitirhan ngayon.

Mas nakatuon ngayon ang pansin ni Zsa Zsa sa kanyang upcoming concert.

Billed as Zsa Zsa: Through the Years, she takes pride in having her daughters in the show–si Karylle by the late Dr. Modesto Tatlonghari and Zia Quizon, anak nila ni Dolphy.

Directed by Rowell Santiago, tampok ang musical journey ni Zsa Zsa who began her singing career in the 70s iconic group Hotdog. Ronnie Carrasco III