Home NATIONWIDE Beripikadong krimen konektado sa eleksyon, umabot na sa 35

Beripikadong krimen konektado sa eleksyon, umabot na sa 35

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Philippine National Police (PNP) na ang bilang ng mga napatunayang election-related incidents (ERIs) ay tumaas na sa 35.

Ayon noong Abril 28, karamihan ng mga insidenteng ito ay nangyari sa Cordillera Administrative Region (CAR) na may 11 kaso, kasunod ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na may walong kaso.

Ang iba pang mga rehiyon na may napatunayang insidente ay ang Calabarzon, Zamboanga Peninsula, Western Visayas, Davao Region, at iba pa.

May pitong pinaghihinalaang ERIs pa na iniimbestigahan sa iba’t ibang rehiyon.

Ang pinakabagong insidente ay ang pagpatay sa nominee ng Ang Bumbero ng Pilipinas Partylist na si Leninsky Bacud sa Sampaloc, Manila. Santi Celario