Home METRO Makati City pang-4 na syudad sa buong mundo na may magandang healthcare

Makati City pang-4 na syudad sa buong mundo na may magandang healthcare

0
Makati City pang-4 na syudad sa buong mundo na may magandang healthcare

MAKATI CITY – Inanunsyo ni Makati City Mayor Abby Binay na ang Makati ay nakapuwesto sa ika-4 na ranggo sa buong mundo sa healthcare ayon sa Numbeo Health Care Index para sa Q1 2025, na may iskor na 85.0 mula sa 100.

Ang Makati lamang ang lungsod sa Pilipinas na nakapasok sa listahan, at natalo ang maraming lungsod mula sa Europa at North America.

Ang Kaohsiung, Taiwan, ang nangunguna sa listahan na may iskor na 88.6.

Ang ranggong ito ay nagpapakita ng malalaking pamumuhunan ng Makati sa healthcare infrastructure, teknolohiya sa medisina, at pagpapahusay ng kakayahan ng mga healthcare workers.

Ayon kay Mayor Abby Binay, ang mataas na ranggo ng lungsod ay nagpapatunay ng kanilang dedikasyon sa pagbibigay ng pinakamahusay na serbisyo sa kalusugan sa mga Makatizens. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here