MANILA, Philippines- Iniulat ng Bureau of Immigration (BI) nitong Martes na halos 50,000 indibidwal ang dumating sa Pilipinas nitong New Year’s Eve.
Batay sa BI, may kabuuang 49,892 arrivals ang naitala noong Dec. 31, 2023. Sa bilang na ito 34% ang mga dayuhan.
Samantala, sinabi ng bureau na naproseso nito ang 1.6 milyong arrivals para sa Disyembre, na lampas sa pagtataya nitong 1.5 milyon.
Para kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ipinakikita nito na naibabalik na ng Pilipinas ang momentum bilang popular na holiday destination para sa foreign nationals.
“Better public service is our gift for the holidays. We are happy that our measures are working, and we vow to continuously improve our systems for 2024 and the years to come,” ani Tansingco.
Inihayag ng BI, na walang naging aberya sa kanilang operasyon nitong holiday season. RNT/SA