Home METRO 2.4M holiday travelers dumagsa sa PITX

2.4M holiday travelers dumagsa sa PITX

MANILA, Philippines- Mahigit 2.4 milyong pasahero ang dumaan sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) nitong nakaraang holiday season, batay sa ulat nitong Martes.

Base sa tala ng PITX, naiulat ng public transport hub ang kabuuang 2,400,276 indibidwal na gumamit ng pasilidad nito upang bumiyahe sa iba’t ibang lalawigan sa Southern Tagalog, Bicol Region, at iba pang bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao mula Dec. 15, 2023 hanggang Jan. 1, 2024.

Inihayag ni PITX corporate affairs officer Kolyn Calbasa na ang pinakamataas na arawang bilang ng mga biyahero sa PITX ay naitala noong Dec. 23, nang umabot ito sa 204,648 indibidwal.

Hanggang alas-10 ng umaga nitong Martes, 47,476 pasahero na ang naitala sa PITX.

Sinabi ng PITX management na inaasahan nito ang pagbalik ng mga pasahero sa Maynila sa mga susunod na araw matapos ang kanilang holiday break.

Nauna nang inihayag ni Calbasa na inaasahan ang pagdagsa ng mga pasahero hanggang Jan. 3, 2024.

Iniugnay ni Calbasa ang pagdami ng mga pasahero sa karagdagang biyahe sa PITX at sa tinatawag na “revenge travel” behavior ng mga Pilipino kasunod ng COVID-19 pandemic. 

“Syempre nakapag-ipon para sa Pasko ngayon, gusto na nilang umuwi sa kanilang probinsya,” dagdag niya. RNT/SA

Previous articleParak todas sa sariling baril!
Next articleBI: 50K indibidwal dumating sa Pinas noong New Year’s Eve