Home METRO Parak todas sa sariling baril!

Parak todas sa sariling baril!

MANILA, Philippines- Agad nasawi ang isang pulis nang maputukan siya ng kanyang baril habang nililinis ito sa kanyang tahanan sa Bansalan, Davao del Sur.

Ayon sa ulat nitong Martes, kinilala ang biktimang si Patrolman Jhaniel Pepito, nakatalaga sa Second Davao del Sur Provincial Mobile Force Company.

Inilahad ng ina ng biktima na nililinis ng kanyang anak ang baril nito sa kwarto subalit makalipas ang ilang sandali ay nakarinig ito ng putok ng baril.

Pinuntahan niya ang kanyang anak na nadatnan niyang duguang nakasandal sa kama.

Isinugod nag pulis sa ospital subalit idineklarang dead on arrival.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa insidente. RNT/SA

Previous articleDriver ng SUV sa bank crash pinatawan ng 90-day suspension
Next article2.4M holiday travelers dumagsa sa PITX