MANILA, Philippines – Bibili ang Bureau of Immigration ng mga bagong electronic gates (e-gates) upang maiwasan ang pagsisiksikan sa immigration area ng Ninoy Aquino International Airport (Naia) upang mapabilis ang daloy ng mga pasahero at mapabuti ang passenger experience.
“The BI (Bureau of Immigration) is currently procuring new e-gates that will replace the old e-gates na medyo outdated na rin (that are already outdated),” saad sa pahayag ni Transportation Secretary Vince Dizon.
Ayon kay Dizon, ang pagbili ng mga e-gate ay bahagi ng hakbang ng pamahalaan na maalis na ang mahabang pila sa NAIA.
Ani BI spokesperson Dana Sandoval, ang pagbili ng mga e-gate ay bahagi ng long term efforts ng BI para masolusyunan ang naturang isyu. RNT/JGC