Home NATIONWIDE BI chief gustong palitan ni Remulla

BI chief gustong palitan ni Remulla

MANILA, Philippines – Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Lunes, Setyembre 9 na nais niyang palitan na si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco matapos na makatakas sa bansa si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at ang pagbibigay umano ng mga visa sa mga pekeng korporasyon.

“We completely lost any trust or confidence in him,” sinabi ni Remulla patungkol kay Tansingco.

Nakausap niya na umano si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay sa isyu.

“I told him to make sure these are canceled… but he never did anything,” Remulla told ANC. “It’s a pattern of behavior that they have been carrying out for the past year or so about how they treat their job. And I think that should speak for itself,” dagdag niya.

Wala pang tugon si Tansingco kaugnay ng pahayag ni Remulla.

Noong nakaraang linggo, sinabi ng Presidential Anti-Organized Crime Commission na walang matibay na ebidensya na may sabwatan sa pagitan ng mga tauhan ng BI at Guo para makalabas ng bansa.

Sinabi ni Remulla na ang komisyon ay may “very superficial view of the problems” sa ahensya.

“They do not know the actual score within the Bureau of Immigration.” RNT/JGC