Home NATIONWIDE BI, DOLE sanib-pwersa sa data sharing

BI, DOLE sanib-pwersa sa data sharing

MANILA, Philippines- Magkatuwang ang Bureau Immigration (BI) at ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa paglaban sa mga ilegal na dayuhan sa pamamagitan ng bagong data sharing agreement.

Pinangunahan ni BI Commissioner Norman Tansingco at ni DOLE Secretary Bienvenido Laguesma ang pagpirma sa isang kasunduan na babalangkas ng real-time data exchange sa pagitan ng dalawang ahensya.

Sa ilalim ng kasunduan, ipagkakaloob ng DOLE ang komprehensibong datos sa mga dayuhan kaugnay sa alien employment permits (AEP), certificates of exemption and exclusion, gayundin ang mga impormasyon sa mga nakanselang at ni-revoke na AEPs at certificates of exemption at ang mga datos nito na magagamit ng BI sa mga impormasyon na isinumite ng mga aplikante na may kaugnayan sa conversion o extension ng kanilang mga working visas.

“The primary objective of this collaborative effort is to ensure that only legitimate foreign workers, duly vetted by DOLE, are granted work visas and permits in the Philippines,” ayon kay Tansingco.

Ang AEP na isang pangunahing requirement para sa mga dayuhan na nag-aapply ng working visas at may malaking ambag sa pagmimintina ng integridad at seguridad sa labor market.

“We thank our partners from the DOLE for their continuous support on the efforts to improve the system,” ayon kay Tansingco. “Through this agreement, both the BI and the DOLE will be able to better enforce our mandates,” dagdag pa nito.

 Nagmula ang inisyatiba sa komprehensibong balangkas ng BI visa issuance system.

Sinabi pa ni Tansingco na ang BI ang nagpasimuno ng online application system para sa working visas, na layunin na mapabilis ang proseso at ma-access ng mga aplikante. JAY Reyes

Previous article4 NPA patay sa engkwentro sa militar
Next articleTINGNAN: Hog festival sa QC