Home METRO 4 NPA patay sa engkwentro sa militar

4 NPA patay sa engkwentro sa militar

ILOILO CITY- Patay ang apat na miyembro ng New People’s Army sa engkwentro sa Philippine Army sa San Joaquin, Iloilo.

Nadiskubre ng 61st Infantry Battalion ang isa pang bangkay sa mopping-up operations, na tinukoy na si Rena Rhea Camariosa, alyas Ka Kira, nitong Huwebes.

Kinilala ng 301st Infantry Brigade ang iba pang mga nasawi na sina Jonathan Sanogal (alyas Ka Jeros), Mario Reovoca (alyas Ka Mike at Ka Jaguar), at Patrick Reovoca (alyas Ka Kim).

Sinabi ni Brig. Gen. Michael Samson, 301st IB commander, na iniwanan si Camariosa ng kanyang mga kasamahan kasunod ng pakikipagbakbakan sa 61st IB sa Barangay Torocadan nitong Miyerkules.

Sinasabing anak si Camariosa ni Nahum Camariosa, alyas Ka Bebong, pinaniniwalaang pinuno ng NPA Southern Panay Front Committee sa Panay Island.

Sumuko naman ang isa pang sugatang rebelde na kinilalang si Rocel Esmediana, alyas Ka Michelle, sa barangay officials na tumawag sa mga pulis at nagdala sa kanya sa ospital. RNT/SA

Previous articlePagkatapos ng surot, daga namataan sa NAIA terminal 3!
Next articleBI, DOLE sanib-pwersa sa data sharing