Home METRO Pagkatapos ng surot, daga namataan sa NAIA terminal 3!

Pagkatapos ng surot, daga namataan sa NAIA terminal 3!

MANILA, Philippines- Kasunod ng surot, daga naman ang namataan sa kisame ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3. 

Batay sa post ng isang social media user sa X, makikita ang maiksing clip ng malaking daga sa Gate 2, international departures sa NAIA Terminal 3 dakong ala-1 ng hapon nitong March 1.

“Hello NAIA, una surot, ngayon naman may daga sa international departure? Yung totoo?!?!” aniya.

Umani ang post ng iba’t ibang reaksyon mula sa social media users. 

“Kadiri na talaga ang NAIA,” komento ng social media users.

Matatandaang napabalita sa airport ang pagbabahagi ng social media users ng karanasan nila sa Terminals 2 at 3 kung saan nakagat sila ng surot.

Nitong Miyerkules, naglabas ng pahayag ang MIAA at sinabing nagsagawa ng ng mga hakbang ang ahensya upang tugunan ang mga ulat ng netizens na nakagat ng surot.

“MIAA General Manager Eric Ines immediately ordered the Terminal Managers to look into the matter and provide him with a report within 24 hours stating the circumstances surrounding the incidents and their recommended corrective actions to put an end to this problem,” pahayag ng MIAA. RNT/SA

Previous articleDOLE: P800 minimum wage para sa TUPAD beneficiaries fake news
Next article4 NPA patay sa engkwentro sa militar