Home NATIONWIDE BI dumepensa sa pagtatalaga sa opisyal na naabswelto sa ‘pastillas scheme’

BI dumepensa sa pagtatalaga sa opisyal na naabswelto sa ‘pastillas scheme’

MANILA, Philippines- Ipinagtanggol ng Bureau of Immigration (BI) ang pagtatalaga ng isa sa mga opisyal nito na na-dismiss ng Office of the Ombudsman (OMB) ngunit naibasura ang reklamo ng Court of Appeals (CA) dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa “pastillas” scheme sa mga paliparan.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, si Vincent Bryan Allas ay itinalagang pinuno ng Boarder Control and Intelligence Unit (BCIU) ng BI matapos linisin ng CA sa umano’y pagkakasangkot niya sa “pastillas” scheme.

Sinagot ni Tansingco ang mga alalahanin na naunang inihayag ni Sen. Risa Hontiveros hinggil sa pagtatalaga kay Allas.

“The Bureau is closely monitoring all appointments to ensure that our standards of accountability are upheld. The Bureau of Immigration continues to maintain the highest standards of professionalism and ethical conduct in its operations,” paglilinaw ni Tansingco.

Sinabi ni Tansingco na mula nang italaga si Allas bilang pinuno ng BCIU, ginagampanan umano nito ang kanyang mga tungkulin sa inaasahan ng Bureau at nagpakita ng mga pagpapabuti sa pagganap ng BCIU.

Ang “pastillas” scheme ay kinasasangkutan ng mga tauhan ng imigrasyon na nag-escort ng mga dayuhan sa mga paliparan kapalit ng pera na suhol na ibinibigay sa puting balot upang magmukhang sikat na katutubong delicacy na tinatawag na “pastillas.” JAY Reyes