Ganito kung tawagin ni Bianca Umali ang Araw ng mga Puso o Valentine’s Day.
Paano nga ba nila ipinagdiwang ng nobyong si Ruru Madrid ang espesyal na araw ng February 14?
Sa GMA Integrated News Interviews’ interview sa kanya ni Nelson Canlas, inamin ni Bianca na:
“Wala kaming partikular na araw ng pagpapakita ng pagmamahal sa isa’t isa!”
Bumilang na nga nang ilang taon ang kanilang relasyon.
Isa ito sa masasabing mga milestone sa career ng Kapuso actress.
Pero higit sa lahat, on top of all this ay ang nagaganap sa kanyang showbiz career.
Taong 2024 nang tanghalin si Bianca bilang Best Dramatic Actress sa Jinseo International Film Festival sa Japan.
Ito’y para sa pelikulang Mananambal kasama ang National Artist for Film at Broadcast Arts at Superstar na si Nora Aunor.
Lumikha ng kontrobersya ang billing ni Bianca “which made me emotional.”
Pero aniya, ang paraan daw to deal with it is to be the most professional person that she is.
Ang makatrabaho raw si Nora–maging ang kanyang award–ay bonus na lang.
Resulta raw ito ng kanyang pagpupursige na nais niyang ihandog sa kanyang yumaong Lola Victorina who raised her along with 10 other grandkids.
Edad sampu lang daw siya noon when Bianca lost her lola, na labis niyang pinagkakautangan ng loob if only for sending them all to school and teaching them valuable life lessons. Ronnie Carrasco III