Manila, Philippines – There are many ways to respond to a criticism.
‘Yung iba’y sasagot ng matindi, while others will just choose to be silent.
Pero may sailing paraan si Philmar Alipayo bilang reaksyon sa pahayag ni Derek Ramsay base sa vlog interview sa kanya ni Ogie Diaz.
Malinaw kasing sabi ng Fil-Brit actor na magpakalalaki ang partner ni Andi Eigenmann.
Ito’y sa paraang aminin nitong may kasalanan siya.
Ani Derek, Philmar’s “crime” constitutes about 80%.
Dahil kung kay Derek daw ‘yon nangyari at may kaibigan siyang babae na magyayayang magpa-tattoo siya ay hindi siya papayag.
Malinaw na ang tinutumbok ni Derek ay ang kanyang Swiss friend na si Pernilla Sjoo.
Katwiran ni Derek, respeto na lang daw ‘yon sa kanyang misis na si Ellen Adarna.
To make amends, payo ni Derek kay Philmar is for the latter to own up to his mistakes.
Not only has Philmar wronged Andi, nagkasala rin daw ito kay Pernilla.
Sa halip na sumagot, idinaan ni Philmar sa pagsasayaw ng APT ang hamon ni Derek.
Caught on video and posted on his Facebook account, makikitang nagtatawanan pa sa background ang tropa ni Philmar.
Samantala, habang sinusulat ito’y wala pa ring reaksyon si Andi sa sinabi ni Derek that she should not have resorted to social media to malign Pernilla. Ronnie Carrasxo III