MANILA, Philippines- Walang commitment ang Pilipinas sa Tsina na alisin ang US-deployed Typhon missiles sa bansa.
Sinabi ng National Security Council (NSC) na hindi pangako kundi alok o kondisyon lamang ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na aalisin lamang ng Pilipinas ang mid-range capability missile systems sa bansa kung ititigil ng Tsina ang agresyon sa West Philippine Sea (WPS).
“The Philippines never promised People’s Republic of China that we will withdraw the Typhon missile system in the Philippines,” ayon kay NSC spokesperson Jonathan Malaya.
“We never made any commitment to the PRC in this regard,” dagdag niya.
Matatandaang 2024 nang dumating sa bansa ang Typhon missiles. Sinabi ng Philippine Army (PA) na ang missile system ay ginagamit bilang bahagi ng military training at pagsasanay sa modern weaponry. Kris Jose