Home NATIONWIDE JPE binati ni PBBM sa ika-101 kaarawan

JPE binati ni PBBM sa ika-101 kaarawan

MANILA, Philippines- Nagpaabot ng kanyang madamdaming mensahe si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay dating Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile (JPE) na nagdiwang ng kanyang ika-101 kaarawan, araw ng Biyernes, Pebrero 14, Araw ng mga Puso.

Sa isang Facebook post, pinuri ni Pangulong Marcos si Enrile bilang isang tao na ang buhay ay isang testamento sa dedikasyon, karunungan at serbisyo sa mga mamamayang Pilipino.

“Today, we celebrate a man and his life—a life that, by any measure, has been truly well-lived,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

“A statesman, a legal luminary, and an exemplary public servant. He has not only witnessed history but has actively shaped it,” dagdag na wika ng Pangulo.

Binigyang-diin ng Pangulo ang naipong kayamanan ng karanasan ni Enrile sa kabuuan ng kanyang mahabang karera sa public service.

Nagpaabot din ng pasasalamat ang Pangulo para sa hindi matatawarang payo ni Enrile na patuloy na ibinibigay sa bansa, inilarawan ng Pangulo si Enrile bilang isang ‘source of wisdom.’

“In that time, he has amassed a wealth of wisdom and experience, which he generously shares. It is one that all presidents, including myself, have gladly partaken in,” ani Marcos.

Sinalamin din ng Pangulo ang kakaibang kabuluhan ng pagpatak ng kaarawan ni Enrile sa Araw ng mga Puso.

“The fact that his natal day coincides with Valentine’s Day reminds us that the sharpness of his mind is equaled only by the warmth of his heart for the Filipino people,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

“Happy Birthday, Secretary Tata Johnny Ponce Enrile! We are truly blessed to have you on our team as our Chief Presidential Legal Counsel,” dagdag na wika nito. Kris Jose