MANILA, Philippines- Tumama ang magnitude 5.1 na lindol sa baybayin ng Claveria, Masbate nitong Sabado ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Naganap ang lindol ng alas-8:28 ng umaga at may epicenter na 12.83°N, 122.98°E – 029 km S 74° W ng Claveria.
May lalim itong 10 km at tectonic ang origin.
Naramdaman ang Intensity III sa City of Legazpi sa Albay, base sa PHIVOLCS.
Walang inaasahang pinsala subalit nakaamba ang aftershocks, dagdag nito. RNT/SA