Manila, Philippines- Sina Bianca Manalo at Senator Win Gatchalian nga ba ang mga “bida” sa isang online entertainment site nitong January 7 bilang isang showbiz personality at isang pulitiko na hiwalay na?
Mabilis nga ang panghuhusga ng mga netizens lalo’t walang mga respective posts ang magkasintahan sa kanilang social media accounts.
Naunang pinansin ng mga netizens ang kawalan ng effort man lang ng mambabatas para batiin ang former beauty queen sa 38th kaarawan nito noong November 29 last year.
Of late din, ni isang post tungkol sa mga ganap sa couple ay walang makikita sa soc-med.
Bale ba, binigyan ng kahulugan ng mga netizens ang ipinost ni Bianca sa isang “batang Bianca.”
Post ng aktres, “Don’t worry, little Bianca, you’ll be okay!”
Itinaon pa ‘yon noong mismong 38th birthday niya.
Nagkakaisang tanong ng madlang pipol: what was Bianca’s post supposed to mean, lalo’t may linyang “don’t worry”?
May piinagdadaanan nga ba sila ng senador?
Matatandaang taong 2023 nang masangkot si Bianca linking her to Rob Gomez.
In-assure naman ni Win na hindi ‘yon nakaapekto sa kanilang relasyon.
Sa madaling salita, Bianca easily got away with it dahil true enoughay hindi nagkalamat ang kanilang relasyon.
Medyo critical nga lang ang last quarter ng 2024 for the couple, spilling over to the present time.
Nakisali na rin ba sina Bianca at Sen. Win sa bandwagon ng mga couples who have drifted apart?
Eh, paano na ang planong pagpapakasal nila?
How ironic…to think na ang mga involved ay “win” at “manalo” pa mandin! Ronnie Carrasco III