BICOL, Philippines – Tumanggap ang Bicol police ng 20 motorsiklo noong Agosto 10 upang mapabilis ang pagtugon sa mga emergency call sa ilalim ng unified 911 system ng pamahalaan.
Pinangunahan ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang turnover ng mga motorsiklo sa Bicol Police Regional Office. Ide-deploy ang mga ito sa Albay at Camarines Sur, lalo na sa mga lugar na nangangailangan ng agarang responde.
Bahagi ito ng programa upang palakasin ang unified 911 emergency response system at mapabuti ang pagbibigay ng emergency services sa rehiyon.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Remulla ang kahalagahan ng pagkakaisa para sa pag-unlad ng bansa sa kabila ng pagkakaiba sa politika.
Ayon sa kanya, patuloy na prayoridad ng pamahalaan ang kapayapaan at kaayusan, pagpapalakas ng samahan ng mga uniformed personnel, at pagtugon sa mga isyung may kaugnayan sa kaligtasan ng publiko upang makabuo ng mas ligtas at mas maunlad na bansa.
Kasama ni Remulla sa turnover sina PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., Bicol police director Brig. Gen. Erosito Miranda, Camarines Sur Gov. LRay Villafuerte, at Albay Gov. Noel Rosal. RNT/MDS