MANILA, Philippines- Nangako si US President Joe Biden na ipagtatanggol ang Pilipinas mula sa anumang pag-atake sa South China Sea.
Si Biden ang nag-host ng unang joint summit kasama ang Tokyo at Maynila sa gitna ng lumalaking tensyon sa Beijing.
Ang three-way meeting ni Biden kasama sina Pangulong Ferdinand Marcos at Japanese Prime Minister Fumio Kishida ay kasunod ng paulit-ulit na komprontasyon sa pagitan ng Chinese at Philippine vessels sa pinagtatalunang katubigan.
“The United States defense commitments to Japan and to the Philippines are ironclad,” ayon kay Biden kasabay ng pagbubukas ng pagpupulong sa East Room ng White House.
“Any attack on Philippine aircraft, vessels or armed forces in the South China Sea would invoke our mutual defense treaty,” wika ni Biden.
Inaangkin ng Tsina ang halos kabuuan ng South China Sea, kung saan isinantabi ang claims ng iba pang Southeast Asian nations kabilang na ang Pilipinas at maging ang idineklarang internasyonal na paninindigan na walang basehan ang paggiit ng China na pagmamay-ari lamang nito ang teritoryo.
Sa kabilang dako, sa trilateral summit, inaasahan na iaanunsyo ng Estados Unidos, Japan at Pilipinas ang bagong joint naval exercises kasama ang Australia, kahalintulad ng drills na isinagawa sa rehiyon nito lamang weekend.
Nakatakda ring pasinayaan ng mga ito ang bagong economic cooperation measures. Kris Jose