Home NATIONWIDE Prosecution panel na humawak sa kaso ni Vhong Navarro, pinuri ni Remulla

Prosecution panel na humawak sa kaso ni Vhong Navarro, pinuri ni Remulla

MANILA, Philippines – Nakapiit na sa Correctional Institution for Women ang modelo na si Deniece Cornejo matapos mahatulan na makulong sa kasong serious illegal detention with ransom na isinampa ng actor-host na si Vhong Navarro.

Kinumpirma rin ng Bureau of Corrections na ang isa pang akusado na si Simeon Raz ay nasa Diagnostic Center ng New Bilibid Prison (NBP).

Naglabas na rin ng kautusan ang Taguig RTC para ipasok ang sa NBP ang negosyanteng si Cedric Lee na sumuko kagabi sa National Bureau of Investigation.

Samantala, pinuri ni Justice Secretary Jesus Crispin Boying Remulla sina Antipolo City Prosecutor Mari Elvira B. Herrera, Senior Deputy State Prosecutor Hazel C. Decena-Valdez at Deputy State Prosecutor Olivia L. Torrevillas dahil sa matagumpay na pag hawak sa kaso ng aktor.

“This conviction is a testament of the hardwork and dedication of our prosecutors that the DOJ will always serve as a beacon of hope for victims of injustice, reaffirming our commitment to the people that justice will be enforced to or against anyone regardless of social status, fame, power or wealth.” TERESA TAVARES