Home ENTERTAINMENT Ruffa, dinepensa ang ina sa fake news!

Ruffa, dinepensa ang ina sa fake news!

Manila, Philippines- Ang feisty showbiz mom na si Annabelle Rama ang latest victim ng mapaminsalang laganap na fake news.

Naglipana kasi ang dalawang quote cards believed to have been posted by Annabelle.

Ang isa’y may kinalaman sa estranged daughter-in-law niyang si Sarah Lahbati.

Part of the quote card reads: “Hindi ko na kailangang magsalita pa…may kasama sa Hongkong ang bruha!”

Hindi man tinukoy, obyus namang si Sarsh ang subject.

Inamin naman ng nagbabalik-teleseryeng aktres ang kanyang sighting sa Hongkong with a foreigner guy.

Tinuligsa nga lang ng maraming netizens si Sarah over her “I’m single!” statement dahil in the first place, kahit hiwalay na sila ni Richard Gutierrez, legally ay married pa siya as their marriage has yet to be annuled.

Ang ikalawang quote card attributed to Annabelle has something to do with Barbie Imperial.

Kinumpirma kasi ni Annabelle na magkasamang nagbakasyon sina Richard at Barbie.

May insinuation pang mas boto raw si Annabelle kay Barbie kesa kay Sarah.

Buti na lang, not all netizens are gullible o mapagpaniwala sa kung ano ang natitisod nila sa social media.

Annabelle’s daughter Ruffa Gutierrez had to stand up for her mom, belying those quote cards as having come from the Gutierrez matriarch.

“My mom has never uttered a word!” pagtatanggol ni Ruffa sa ina.

In fairness to Annabelle, obyus na ang tinitingnan pa rin niya ay ang dalawang apo niyang sina Zion at Kai.

Much as she wants to say a mouthful against Sarah ay pigil na pigil siya.

Maganda ring matutunan ng mga netizen na kilatising mabuti ang mga nababasa nila sa social media, lalo’t usung-uso ang fake news. Ronnie Carrasco III