MANILA, Philippines – KUMPIYANSANG ipinahayag ni outgoing United States President Joe Biden na pahahalagahan ni President-elect Donald Trump ang relasyon ng Estados Unidos sa Pilipinas at Japan.
Ito ang sinabi Biden sa trilateral phone call kasama sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Japan Prime Minister Shigeru Ishiba, umaga ng Enero 13, araw ng Lunes.
“Simply put, our countries have an interest in continuing this partnership and institutionalizing our cooperation across our governments so that it is built to last. I’m optimistic that my successor will also see the value of continuing this partnership, and that it is framed the right way,” ang sinabi ni Biden sa ipinalabas na press release ng Presidential Communications Office (PCO).
Nauna rito, sinabi ni Pangulong Marcos na ‘looking forward’ siya na makatrabaho si Trump sa malawak na saklaw ng mga usapin na “will yield mutual benefits to two nations with deep ties, shared beliefs, common vision, and a long history of working together.”
Samantala, muling magbabalik ng White House si Trump matapos siyang magwagi kontra kay incumbent US Vice President Kamala Harris sa nakalipas na 2024 US Elections.
Si Trump ang ika-47 Pangulo ng Estados Unidos na minsan na ring namuno sa naturang bansa noong 2017 hanggang 2021, bilang ika-45 Presidente nito.
Matatandaang noong Nobyembre 2022 nang ianunsyo ni Trump ang kaniyang interes sa pagtakbo sa 2024 US Elections.
Marami naman ang nag-aabang kung ano raw ang magiging pagbabago sa koneksyon ng Pilipinas at Estados Unidos, sa muling pagbabalik ni Trump at magiging relasyon nito kay Pangulong Marcos. Kris Jose