Home HOME BANNER STORY Big-time oil price hike ipatutupad bukas!

Big-time oil price hike ipatutupad bukas!

MANILA, Philippines – MULING magpapatupad ng malakihang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa na magiging epektibo bukas.

Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng dagdag presyo na P1.40 sa kada litro ng gasolina, P1.75 sa kada litro ng diesel, at P1.05 naman sa kada litro ng kerosene na magiging epektibo alas-6 bukas ng umaga.

May big time oil price hike din sa mga nabanggit na produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang Caltex (CPI) na ipapatupad alas-12:01 bukas ng madaling araw habang ang kompanyang CleanFuel ay magiging epektibo alas-4:01 bukas ng hapon.

Ang ipapatupad na big time oil price rollback sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.

Matatandaan na nito lamang nakaraang Martes ay nagpatupad ang mga kompanya ng langis sa malakihang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo na P0.85 sa kada litro ng gasolina, P1.75 sa kada litro ng diesel, at P1.90 naman sa kada litro ng kerosene. JAY Reyes