Home NATIONWIDE Big-time rollback sa presyo ng langis epektibo na bukas!

Big-time rollback sa presyo ng langis epektibo na bukas!

136
0

MANILA, Philippines – Nag-anunsyo ang Shell Pilipinas Corporation at Seaoil ng malaking bawas-presyo sa mga produktong petrolyo nito na epektibo alas-6 ng umaga ng Abril 21, 2026.

Batay sa abiso, magpapatupad ng malakihang rollback ang nasabing kompanya ng ₱3.41 kada litro ng gasolina, ₱24.94 kada litro ng diesel, at ₱2.00 sa kada litro ng kerosene.

Inaasahang magbibigay-ginhawa ang rollback lalo na sa mga motorista at sektor ng transportasyon na matagal nang apektado ng mataas na presyo ng langis.

Karaniwang sumusunod ang ibang kumpanya ng langis sa ganitong galaw-presyo sa parehong araw. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here