Home ENTERTAINMENT Awra, isinugod ang sarili sa ospital!

Awra, isinugod ang sarili sa ospital!

126
0

Manila, Philippines – Matinding pananakit ng tiyan at pagsusuka.

Ito ang naramdaman ni Awra Briguela, dahilan para isugod niya ang kanyang sarili sa ospital.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ng komedyante ang sinapit niya.

Aniya, nagising na lang daw siya dahil sa sobrang sakit ng kanyang tiyan na tiniis daw niya nang halos tatlong oras.

Sinabayan pa daw ito ng pagsusuka ng aniya’y yellow acid na labis niyang ikinatakot.

“Tinakbo ko na ang sarili ko sa ER. Sobrang sakit ng tiyan ko and I kept vomitting yellow bile,” ani Awra na ganoon ang pakiramdam dakong alas otso y medya ng umaga.

Nang hindi na raw niya kinaya, Awra had to rush herself to the hospital.

Bale ba, habang nakakaranas daw ng matinding pananakit ng tiyan, pakiwari niya’y mawawalan din siya ng ulirat.

Upon reaching the hospital ER ay panay pa din ang pagsuka niya.

Nagkataong mag-isa pa siya sa kanyang condo unit, at sumunod na lang daw ang kanyang ina sa ER.

Base sa resulta ng kanyang lab tests, nasuring meron si Awra na “acute gastroenteritis with mild to moderate dehydration.”

Aminado si Awra na nitong mga nagdaang araw ay puro black americano coffee lang siya, kulang sa pag-inom ng tubig at hindi nakakain nang maayos.

Sa ngayon ay ligtas na si Awra: “| just need to rest, fix my eating and take my meds.” Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here