Home HOME BANNER STORY Big-time rollback sa produktong petrolyo asahan sa susunod na linggo!

Big-time rollback sa produktong petrolyo asahan sa susunod na linggo!

MANILA, Philippines – Asahan ang malaking bawas sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo kasunod ng paghupa rin ng tensyon sa Middle East.

Sa pagtaya, inaasahan ang price adjustments na P1.00 hanggang P1.40 kada litro na bawas sa gasolina, P1.60 hanggang P2.10 kada litro na bawas sa presyo ng diesel, at P2.00 hanggang P2.20 na bawas sa presyo ng kada litro ng kerosene.

“Bearish factor that counterbalance the bullish price last week is the announcement of President [Donald] Trump of possible ceasefire between Israel and Iran, thus crude oil future extends drop,” sinabi ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero.

Matatandaan na ngayong linggo ay nagkasundo ang mga fuel retailer na ipatupad ang big-time hike sa presyo ng petrolyo sa dalawang tranche.

Noong Martes ay ipinatupad ang dagdag na P1.75 sa presyo ng kada litro ng gasolina, P2.60 sa diesel, at P2.40 sa kerosene. RNT/JGC