Home HOME BANNER STORY Bigtime oil price hike, nagbabadya sa Nobyembre

Bigtime oil price hike, nagbabadya sa Nobyembre

324
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Energy (DOE) ng malaking pagtaas ng presyo ng langis sa pagsapit ng Nobyembre.

Ayon kay Rodela Romero, Assistant Director ng DOE Oil Industry Management Bureau, inaasahang tataas ang presyo kada litro ng gasolina ng P1.20, diesel ng P2.15, at kerosene ng P1.75, hindi kasama ang cost of doing business.

Ayon kay Romero, sanhi ng pagtaas ang pagluwag ng tensyon sa kalakalan sa pagitan ng Estados Unidos at China, pati na rin ang mga sanction sa Russia mula sa UK, US, at EU.

Kasama na rin sa projection ang paghina ng peso, na umabot sa rekord na P59.13 sa dolyar noong nakaraang Martes.

Ito ang ikalawang linggo ng malaking pagtaas, matapos ang nakaraang price hike na P1.20, P1.70, at P2.00 kada litro para sa gasolina, diesel, at kerosene.

Nilinaw ni Romero na ang pagbabago sa presyo sa bansa ay repleksyon lamang ng pandaigdigang merkado ng langis at hindi kontrolado ng DOE.

Maaari ring bumaba muli ang presyo sa ikalawang linggo ng Nobyembre kung tuloy-tuloy na magdagdag ng produksyon ang mga OPEC+ member countries. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here