Home NATIONWIDE Bus terminals sa QC, ininspeksyon ni PNP Chief Nartatez

Bus terminals sa QC, ininspeksyon ni PNP Chief Nartatez

296
0
Larawan mula kay Danny Querubin

MANILA, Philippines – Inspeksyon ng Acting PNP Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. sa mga bus terminal sa Quezon City ang isinagawa bago ang Undas, habang naka-alerto ang pulisya sa buong bansa hanggang Nobyembre 3.

Mahigit 42,000 pulis ang nakadeploy nationwide, at higit 2,000 ang naka-assign sa mahigit 800 bus terminal.

“Chine-check natin yung preparation natin… Kailangan secure sila at ang mga tao sa byahe,” ani Nartatez. Idinagdag niya na nakatuon ang lahat ng resources, logistics, at pondo ng pulisya upang matiyak ang kaligtasan sa Undas.

Pinayuhan rin ng PNP ang publiko na patuloy ang kanilang pagpapatrolya at maaring kontakin sa 911, habang katuwang ang lokal na pamahalaan at disaster responders para mapanatili ang seguridad.

“We’ve been operating ever since and as of now, wala tayong mabigat na banta,” dagdag ni Nartatez. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here