MANILA, Philippines- Magkakaroon ng malakihang bawas-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo na tinatayang aabot ng mahigit P2 kada litro base sa inisyal na kalkulasyon ng oil companies.
Batay sa three-day outcome ng trading sa regional market, mababawasan ang presyo ng gasolina ng P2.45 hanggang P2.85 kada litro; habang ang diesel prices ay ibababa ng P1.75 hanggang P2.15 kada litro.
Para sa kerosene, ang estimated price cut ay P2 hanggang P2.40 kada litro.
Ang bawas-presyo batay sa Mean of Platts Singapore (MOPS) hanggang nitong end-trading ng Miyerkules (Agosto 7) ay P2.882 kada litro para sa gasolina, P2.134 kada litro para sa diesel at P2.434 kada litro oara sa kerosene products. RNT/SA