Home METRO Bigtime tulak arestado sa P6.8M ‘bato’

Bigtime tulak arestado sa P6.8M ‘bato’

157
0

MANILA, Philippines – UMABOT sa P6.8 milyon ang halaga ng shabu na nasamsam mula sa umano’y bigtime na pusher ng ilegal na droga matapos maaresto sa isinagawang buy-bust operation sa Valenzuela City.

Ang nasabing operasyon ay isinagawa ng pinagsamang puwersa ng mga tauhan ng PDEA RO-NCR QCDO Regional Special Enforcement Team 2, PNP PDEG SOU NCR, at Valenzuela City Police Sub-Station 4 dakong alas-5:30 ng hapon, kung saan naaresto ng mga operatiba ng PDEA ang suspek na si alyas “Rommel,” 46, residente ng Dulong Tangke, Rincon St., Brgy. Malinta.

Humigit-kumulang 1,000 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P6,800,000.00 at buy-bust money ang nasamsam ng pulisya mula sa nasabing operasyon.

Kasong paglabag sa Section 5, Article II ng R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa suspek. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here