Home METRO Online seller, itinumba ng nakamotorsiklo

Online seller, itinumba ng nakamotorsiklo

MANILA, Philippines – Itinumba ng motorcycle-riding assailants ang isang online seller na nakatakda sanang makipagkita sa kanyang supplier sa San Andres Bukid, Maynila.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Kyle Castro, 28.

Batay sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD)–Homicide Division, naganap ang insidente sa panulukan ng Dagonoy at Radium Streets sa nasabing lugar.

Bigla na lamang umanong sumulpot ang mga salarin at agad pinaputukan ang biktima.

Nang masigurong napuruhan na ito, mabilis na tumakas ang mga suspek lulan ng motorsiklo.

Patuloy ang follow-up operation ng mga awtoridad upang matunton ang mga salarin at mapanagot sila sa krimeng ginawa.
(Jocelyn Tabangcura-Domenden)