Home METRO Bigtime tulak binitbit sa P1.1M droga

Bigtime tulak binitbit sa P1.1M droga

Arestado ang isang 38-anyos na lalaki ng mga miyembro ng Rizal Provincial Drug Enforcement Unit at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang buy-bust operation sa Binangonan, Rizal noong Hulyo 8, ayon sa Rizal Provincial Police Office (Rizal PPO).

Kinilala ang suspek na si “Van,” residente ng Angono, Rizal. Si Van ay tinaguriang High Value Individual (HVI) ng pulisya dahil sa kanyang mga transaksyon sa ilegal na droga.

Ayon kay Rizal PPO Provincial Director Col Felipe Maraggun, nakuha sa suspek ang 34 na pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P1,156,000.

Kasalukuyang nakakulong si Van sa Binangonan Municipal Police Station. Nahaharap siya sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT