Home METRO Dating empleyado nagtago sa chiller, resto nilooban

Dating empleyado nagtago sa chiller, resto nilooban

CAVITE – Isang fast food restaurant sa Carmona City ang ninakawan ng isa sa mga dating empleyado nito noong Lunes ng gabi, Hulyo 8.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng Carmona Municipal Police Station (MPS) na base sa kuha ng CCTV, nagtago ang suspek sa chiller ng establisyimento alas-9:38 ng gabi.

Alas-10:16 ng gabi, lumabas siya sa pinagtataguan at nagtungo sa opisina ng tindahan upang sirain ang vault at magnakaw ng P91,505.

Tumakas siya ng naglalakad patungo sa direksyon ng Biñan, Laguna pero nahuli rin kalaunan. Ang perang ninakaw ay nabawi rin mula sa kanya.

Nasa kustodiya na ngayon ng Carmona MPS ang suspek at nahaharap sa kasong robbery. RNT