Home NATIONWIDE Bigtime tulak nasakote sa higit P1M tobats

Bigtime tulak nasakote sa higit P1M tobats

59
0

CAMP OLIVAS, PAMPANGA – Timbog sa mga awtoridad ang isang notoryosong High Value Drug suspect at nasabat ang nasa mahigit P1 milyon na halaga ng suspected shabu matapos makorner sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Capihan, San Rafael, Bulacan.

Batay sa ulat kay Central Luzon Police Director Brigadier General Jess Mendez.

Kinilala ang nadakip na suspek na isang 59-anyos na lalaki, tubong Gapan, Nueva Ecija, na kabilang sa PDEA High Value Individual (HVI) sa naturang lugar.

Nabatid sa report na naudlot umano ang unang transaksiyon nito sa Barangay Camachile, Doña Remedios Trinidad, at sa Barangay Tukod, San Rafael, makaraang maubusan umano ito ng ibebentang droga.

Kaya ang suspek na umano ang mismong nagtakda ng lugar ng bentahan ng droga na nangyari sa inuupahan nitong bahay.

Narekober sa suspek ang nasa 158 grams ng suspected shabu na may standard drug price na P1,097,160.00 at ang marked money na ginamit sa buy-bust.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang naarestong suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o mas pinaigting na batas kontra iligal na droga. (Roel Tarayao)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here