Home METRO Bigtime tulak nasakote sa P7M tobats

Bigtime tulak nasakote sa P7M tobats

146
0

CEBU CITY – Nasamsam ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P7 milyon mula sa isang 44-anyos na lalaki na tinaguriang high-value individual sa isang buy-bust operation sa Tagbilaran City, Bohol province, noong Linggo, Oktubre 27.

Si Mario Aranzado ay nahuli ng mga operatiba ng Provincial Intelligence Unit (PIU) ng Bohol Police Provincial Office (BPPO) na may bitbit na mahigit isang kilo ng shabu.

Nakuha rin mula sa suspek ang isang .38 caliber revolver.

Sinabi ni Police Lt. Col. Joemar Pomarejos, hepe ng BPPO PIU, na si Aranzado ay naaresto noong 2015 dahil din sa iligal na droga ngunit na-clear sa mga kaso.

Bumalik sa pagbebenta ng iligal na droga ang suspek matapos itong makalabas sa kulungan, ani Pomarejos.

Sinabi ni Pomarejos na nahuli si Aranzado matapos matukoy na pinagmulan ng 50 gramo ng shabu na nasabat sa isa pang drug suspect na naaresto noong Linggo ng hapon sa Barangay Bayabas, Maribojoc, Bohol.

Sinabi ni Pomarejos na si Aranzado ay may kakayahang magbenta ng isa hanggang dalawang kilo ng shabu kada linggo.

Patuloy ang imbestigasyon para matukoy ang mga kasamahan ng suspek sa kalakalan ng iligal na droga. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here