MANILA, Philippines – Arestado ng mga miymebro ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Makati City police ang isang high value target (HVI) na nakuhanan ng P748,000 halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation Martes ng gabi, Pebrero 25.
Sa report na isinumite ng Makati City police kay Southern olice Distirct (SPD) director PBGEN Manuel Abrugena ay nakilala ang inarestong suspect na si alyas Paolo, 24.
Base sa report na natanggap ni Abrugena, nangyari ang pagdakip sa suspect dakong alas 8:58 ng gabi sa kahabaan ng Pililla Street, Barangay Olympia, Makati City.
Sa isinagawang operasyon ay narekober sa posesyon ng suspect ang 110 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P748,000 at ang P1,000 buy-bust money na ginamit sa operasyon na nakapatong sa 149 piraso ng tig-P1,000 boodle money.
Ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa SPD Forensic Unit para sumailalim sa qualitative at quantitative analysis.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) ng Republic Act 9165 sa Makati City Prosecutor’s Office ang suspect na kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng SDEU ng Makati City police.
“This successful operation highlights our strong dedication to keeping illegal drugs off our streets. We will continue our determined efforts to uphold the law and protect our communities,” ani Abrugena. (James I. Catapusan)