Home METRO Bigtime tulak timbog sa P1M ‘tobats’ sa CamSur

Bigtime tulak timbog sa P1M ‘tobats’ sa CamSur

2
0

CAMARINES SUR — Arestado ang isang 46-anyos na itinuturing na high-value individual matapos umanong makuhanan ng nasa P1.02 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Bula, Camarines Sur nitong Sabado, Agosto 29.

Ayon kay Police Regional Office 5 (PRO-5) Director Brig. Gen. Randy Glenn Silvio, isinagawa ang operasyon sa Barangay Pawili kung saan naaresto ang suspek na kinilala lamang sa alyas na “Neil.”

Nakumpiska umano mula sa suspek ang humigit-kumulang 150 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P1.02 milyon.

Sinabi ng pulisya na nagsagawa muna ng intelligence gathering at surveillance bago ikinasa ang operasyon upang beripikahin ang umano’y pagkakasangkot ng suspek sa ilegal na droga.

Dinala ang suspek sa Bula Municipal Police Station para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.

Nakatakda namang isailalim sa laboratory examination ng Provincial Forensic Unit ang mga nakumpiskang substance upang makumpirma kung ilegal na droga ang mga ito.

Nahaharap ang suspek sa reklamong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here