Home METRO Bigtime tulak timbog sa P3.2M tobats sa Bulacan buy-bust ops

Bigtime tulak timbog sa P3.2M tobats sa Bulacan buy-bust ops

216
0

BULACAN, Philippines – Arestado ang isang lalaking umano’y big-time pusher matapos mahulihan ng P3,233,400.00 hinihinalang shabu sa buy-bust operation ng pulisya sa lungsod ng Baliwag.

Kinilala ng pulisya ang naarestong suspek na si alyas Rex, 45, residente ng Brgy. Sto. Cristo.

Sa report, isinagawa ang buy-bust operation ng Baliwag police station, bandang 8:20 ng umaga noong Hulyo 20, 2025, sa Lido Phase 2, Brgy. Virgen Delas Flores, Lungsod ng Baliwag, Bulacan.

Sa ulat na isinumite ni PLTCOL JAYSON F. SAN PEDRO, Hepe ng istasyon isang medium heat-sealed plastic sachet ng hinihinalang shabu ang iniabot ng suspek sa isang police poseur-buyer kapalit ng marked money kaya agad siyang inaresto.

Nakumpiska sa operasyon ang limang transparent plastic (ice packs) ng hinihinalang shabu, isang medium heat-sealed plastic sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 475.5 gramo at tinatayang nasa Php 3,233,400.00, buy-bust money, at isang (1) plastic bag.

Nahaharap ang suspek sa paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) habang nakapiit sa naturang istasyon. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here