Home NATIONWIDE Bike lanes palalawigin ng DOTr

Bike lanes palalawigin ng DOTr

MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) nitong Biyernes na balak nitong palawigin ang bike lanes sa mga lungsod at munisipalidad sa bansa sa 2028.

Inihayag ng ahensya na naglaan ito ng P5 bilyon para sa active transport projects nito, kabilang ang paglikha ng 2,400-kilometer protected at dedicated lanes para sa mga siklista sa buong bansa.

“We allocated almost P5 billion for planning and implementation of active transport projects. We plan to expand the bike lanes up to 2,400 kms by 2028,” pahayag ni Transportation Secretary Jaime Bautista sa inagurasyon at expansion ng bike lanes sa Tagum at Davao.

“Yung construction ng bike lanes we will do this all over the country, inuuna muna natin major cities then susunod mga adjacent municipalities. Sa ngayon, aside from Davao and Tagum, we have bikeway programs in Manila, Quezon City, Lipa, San Fernando Pampanga, Laoag at marami pa,” patuloy ng opisyal.

Bukod sa bike lanes, sinabi ng DOTr na gumagawa rin ito ng walkways upang matiyak ang kaligtasan ng pedestrians.

Sinabi pa ng DOTr na kahanay ang active transport projects tulad ng bike lanes at walkways ng National Transport Policy at ng Philippine Development Plan 2023 to 2028 ng pamahalaan. RNT/SA