Home METRO Bike registration ipatutupad sa Cebu

Bike registration ipatutupad sa Cebu

CEBU CITY- PARA maiwasan ang abala pinayuhan ng lokal na pamahalaan lungsod ng Cebu ang mga may-ari ng bisikleta na iparehistro, bilang bahagi ng planong mahigpit na ipatupad ang bike lane policy sa mga pangunahing lansangan.

Ayon kay Bernard Maraasin, Cebu City Bike Lane Board executive director, simula Nobyembre 2023 kailangan irehistro ng mga bikers ang kanilang mga bisikleta ng libre sa kanilang barangay kung saan sila nakatira base na rin sa City Ordinance 2408 na ipinalabas kamakailan ng lokal na pamahalaan.

Sinabi ni Maraasin na may karampatang parusa para sa mga may-ari ng bike na hindi magpa-rehistrong kanilang mga bisikleta.

Dagdag pa ni Maraasin, nagsimula na rin silang magtalaga ng mga tao na magpapakalat ng impormasyon para sa kaligtasan ng mga bikers.

Aniya, abala na rin ang tanggapan ng bike lane enforcement office sa paggawa ng mga sistema para sa pagpaparehistro ng bike para maayos ang mga data tungkol sa bilang ng mga may-ari ng bisikleta.

“Sa ngayon, mayroong 25 bike lane enforcers deputized ng Cebu City Traffic Office para hulihin ang mga sasakyan at motorsiklo na pumarada sa mga nakatalagang bike lane na mag-isyu ng citation ticket laban sa mga motorista na humaharang sa mga bike lane kung nakapagtala na sila ng higit sa 5,000 ang mga lumabag mula Enero hanggang Agosto ngayon taon, “ ani pa ni Maraasin./Mary Anne Sapico